IQNA

Ang Aklat ni Ayatollah Mesbah Yazdi Isinalin sa Indonesiano

7:31 - March 10, 2022
News ID: 3003845
TEHRAN (IQNA) – Ang aklat na “Mga Pagtuturo ng Qur’an” ni yumaong Ayatollah Mohammad Taqi Mesbah Yazdi ay isinalin sa wikang Indonesiano.

Iniutos ng Department ng Pagsasalin ng Ahl-ul-Bayt (AS) World Assembly, iyon ay isinalin sa Indonesiano ni Andeng Zulaikha Susilavati.

Ang pagsasalin ay naipalathala sa 286 na mga pahina sa pakikipagtulungan sa Sentrong Islamiko ng Jakarta.

Ang may-akda sa aklat na ito ay nag-aalok ng mga paliwanag tungkol sa ilang mga simulain at mga pagtuturong Islamiko gamit ang mga talata ng Banal na Qur’an.

Si Ayatollah Mesbah Yazdi na nakinabang din mula sa mga Hadith ng Ahl-ul-Bayt (AS) sa pagpapaliwanag ng mga paksa.

Paano makikinabang mula sa Qur’an, iba't ibang mga paraan ng pagkilala sa Panginoon, Tawhid (pagkakisa ng Panginoon), simulain ng pagkakadahilan, at layunin ng paglikha ay kabilang sa mga paksang tinalakay sa aklat.

Namatay si Ayatollah Mesbah Yazdi sa isang ospital sa Tehran noong Enero 2021.

Siya ay isang kilalang Iraniano na kleriko at isang kasapi ng Samahan ng mga Dalubhasa.

Siya ay isang pilosopo at pampulitika teorista at isang kaanib ng Lipunan ng Seminaryo ng mga Guro ng Qom.

 

 

3478095

captcha